Bilang ng mga motoristang nahuli sa ilalim ng no contact apprehension policy ng MMDA umabot sa mahigit kalahating milyon
Mahigit 500,000 mga motorista ang nahuling lumabag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pamamagitan ng kanilang no contact apprehension policy.
Sa datos ng ahensya, sa pagtatapos ng buwan ng Nobyembre umabot sa 539,022 ang bilang ng mga lumabag na motorista.
Nangunguna sa bilang ang mga lumabag sa yellow lane policy na umabot sa 289,154 na motorista o mahigit 50 percent sa kabuuang datos.
Pumangalawa naman ang bilang ng mga lumabag sa loading at unloading areas kung saan, 85,838 na mga motorista ang naitala.
Nasa ikatlong pwesto ang mga motoristang lumalabag sa traffic signs na umabot sa 42,277.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.