Maynila nagsuspinde ng pasok sa gobyerno sa Dec. 26

Nag-anunsyo na ng work suspension ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa December 26.

Base sa Executive Order 45 ni Manila Mayor Joseph Estrada, walang pasok ang mga empleyado sa Manila City Hall sa nasabing petsa.

Gayunman, may pasok naman ang mga nagtatrabaho sa rescue at medical teams.

Pati na ang nasa Manila Health at Manila Department of Social Welfare.

Paliwanag ni Estrada, kaya niya sinuspinde ang trabaho sa Maynila sa Dec. 26 ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga empleyado na makapagdiwang ng Pasko kasama ang kani-kanilang pamilya at mahal sa buhay.

Read more...