Isa sa pitong namaril sa Paris, nakilala na

Paris2
Inquirer file photo

Nakilala na ang isa sa pitong gunmen sa pumaslang sa hindi bababa sa 129 na katao sa Paris, France noong November 13 o Friday the 13th.

Ayon sa French authorities, ang first attacker ay nagngangalang Omar Ismail Mostefai, 29 years old.

Nakilala ang suspek dahil sa ‘severed finger’ nito na natagpuan sa Bataclan concert hall, kung saan may pinakamaraming napaslang.

Pinaigting naman ng international investgators ang kanilang pagsisiyasat sa ‘worst ever attacks’ sa Paris.

Sa Belgium at Germany, inaresto ng mga otoridad ang ilang mga suspek at ngayo’y iniimbetisgahan ukol sa posibleng link ng mga ito sa ISIS.

Read more...