Miss International 2013 Bea Rose Santiago nangangailangan ng kidney transplant

Matapos ma-diagnose ng kidney failure nangangailangan ng kidney transplant si Miss International 2013 Bea Rose Santiago.

Ayon kay Santiago, noong nakaraang buwan siya na-diagnose na mayroong kidney failure, sa umpisa, hindi pa umano siya makapaniwala kaya nagtungo siya sa Tokyo para sa second opinion at doon nakumpirma ang sakit.

Noong August 2018, sinabi ni Santiago na mayroon siyang chronic kidney disease at binalaan ang publiko sa epekto ng pre-workout supplements.

Sa ngayon nasa Canada si Santiago kasama ang kaniyang pamilya para maghanap ng posibleng donor dahil kailangan niyang sumailalim sa kidney transplant.

Sa ngayon nabubuhay aniya siya dahil sa makina, sa tulong ng dialysis machine at mga duktor at nurse sa Home Hemo Dialysis Center sa Toronto.

Ibinahagi ni Santiago na sa nakalipas na tatlo at kalahating buwan, apat na beses kada linggo siyang nagpapabalik-balik sa ospital at sa kada punta ng ospital ay tumatagal sya doon ng limang oras.

Nananatili namang positibo ang pananaw ni Santiago sa kabila ng karamdaman at nagpapasalamat pa rin sa pagmamahal at suporta ng kaniyang mga kaibigan at pamilya.

Read more...