LOOK: Holiday schedule ng LRT-1 mula ngayong December 24 hanggang Jan. 2
Inilabas na ng LRT-1 ang schedule ng mga tren nito para sa holiday season.
Sa abiso ng LRT-1, sa December 24 hanggang December 28, may pagbabago sa schedule ng kanilang last train patungong Baclaran at Roosevelt.
Nakasaad sa abiso na para sa nasabing mga petsa, mananatiling alas 4:30 ng umaga ang alis ng unang biyahe ng tren nila patungong Baclaran at Roosevelt stations.
Pero sa Dec. 24, alas 8:00 ng gabi ang last train nila patungong Baclaran at Roosevelt.
Sa araw naman ng Pasko, Dec. 25, 9:45pm ang last train patungong Baclaran at 9:35pm ang alis ng last train patungong Roosevelt.
Sa December 26, 27 at 28, normal ang schedule ng last train ng LRT-1 – 10:15pm patungo ng Baclaran at 10:00pm patungong Roosevelt.
Sa December 29 hanggang January 12, 2019 naman, normal din ang oras ng alis ng unang biyahe ng tren ng LRT-1.
Pero sa Dec. 29, Dec. 30, Jan. 1 at Jan. 2, 9:45 ng gabi ang last train patungong Baclaran at 9:30 ng gabi ang last train patungong Roosevelt.
Sa Dec. 31 naman na bisperas ng Bagong Taon, alas 7:00 ng gabi ang last train patungong Roosevelt at Baclaran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.