Number coding para sa provincial buses suspendido na mula bukas, Dec. 21
Suspendido na simula bukas ang pag-iral ng number coding para sa mga provincial buses.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), inaasahan na kasing maraming mag-uuwian sa mga lalawigan para magdiwang ng Kapasukan.
Sinabi ni MMDA Spokesperson Celine Pialago, simula bukas, Dec. 21, 2018 hanggang sa January 2, 2019 suspendido na ang number coding para sa mga provincial buses.
Para naman sa mga pribadong sasakyan, suspendido na ang number coding mula December 24, 2018 hanggang January 2, 2019.
Mula bukas, araw ng Biyernes inaasahan na ang magiging dagsa ng mga pasahero sa mga terminal ng bus sa Metro Manila para bumiyahe pauwi sa mga lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.