US Pres. Barack Obama nasa Turkey na para sa G20 summit

By Isa Avendaño-Umali November 15, 2015 - 03:13 PM

barack-obama
Inquirer file photo

Dumating na si United States President Barack Obama sa Turkey para sa 2-day visit kaugnay sa G20 summit.

Sa report ng AFP, dumating ang Air Force One alas-syete ng umaga sa Antalaya International Airport, sa Antalaya, Turkey.

Naging mahigpit ang seguridad sa Antalaya, dahil na rin sa madugong pag-atake sa Paris, France.

Aabot sa labing dalawang libong pulis at multiple security checkpoints ang magbabantay sa Group of 20 top economies o G20.

Batay sa ulat, makikipagpulong si Obama kay Turkish President Recep Tayyip Erdogan bago ang summit.

Bukod kay Obama, kabilang pa sa mga inaasahang dadalo sa G20 summit ay sina Chinese Presidente Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin.

Kabilang sa mga tatalakayin sa summit ay ang pagresolba sa kaguluhan sa Syria, migrant crisis at climate warming sa mundo.

Matapos ang G20, diresto si Obama sa Maynila para dumalo sa APEC leaders meeting.

TAGS: G20summitTurkey, USpresObama, G20summitTurkey, USpresObama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.