Pope Francis binatikos ang ‘consumerism’ sa Pasko

By Rhommel Balasbas December 20, 2018 - 02:28 AM

Nanawagan si Pope Francis sa mga mananampalataya na alalahanin ang tunay na diwa ng Kapaskuhan.

Sa general audience sa Vatican, iginiit ng Santo Papa na ang Pasko ay hindi maaaring maging tungkol lamang sa palitan ng regalo at konsumerismo o pagbili ng mga bagay at serbisyo.

Anya, ang Pasko ay pag-alala sa kapanganakan ni Hesukristo.

Giit pa nya, ang selebrasyong ito ay tungkol sa pakikinig sa katahimikan ng Diyos.

Nanawagan ang lider ng Simbahang Katolika na huwag gawing ‘fashionable event’ ang Pasko.

Hindi anya Pasko ang pagsisindi sa mga kumukutitap na ilaw at pagpapalitan ng mga regalo kung wala naman nagaganap na pagtulong sa kahit isang taong dukha.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.