Miss Universe Catriona Gray magco-courtesy call kay Pangulong Duterte
Inaasahang magtutungo mamayang hapon sa Palasyo ng Malakanyang si 2018 Miss Universe Catriona Gray.
Ito ay para mag-courtesy call ang beauty queen kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Malakanyang, gaganapin ang courtesy call mamayang hapon.
Matatandaang una nang nagpaabot ng pagbati ang Palasyo sa pagkakapanalo ni Gray sa pandaigdigang patimpalak.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi lang ang kulturang Pinoy ang naipamalas ni Gray sa buong mundo kundi maging ang mga magagandang tanawin ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.