Magnolia, nasungkit ang kampeonato sa 2018 PBA Governors’ Cup

Matapos ang apat na taon, muling nakuha ng Magnolia Hotshots ang kampeonato sa PBA Governors’ Cup.

Tinalo ng koponan ang Alaska Aces sa iskor na 102-86 sa Game 6 sa Ynares Center, Antipolo City.

Taong 2014 pa nang kanilang huling nasungkit ang PBA championship na noo’y San Mig Coffee pa ang kanilang team name.

Pinangunahan ni Romeo Travis ang koponan sa kanyang game-high na 32 points 16 rebounds at six assists habang si Paul Lee na itinanghal na Best Player of the Conference ay nakapagambag ng 16 points.

Itinanghal na finals Most Valuable Player (MVP) si Mark Barroca, na ikalawang beses na sa kanyang karera.

Para kay coach Chito Victolero sa naging paghahanda ng kanyang koponan ay nakita niya ang kagustuhan ng kanyang mga manlalaro na makuha ang kampeonato.

Binuksan ng Hotshots ang laban sa 12-0 run bago pa man magpaulan ng three-pointers sina Chris Banchero at Kevin Racal ng Aces.

Nanguna para sa Alaska Aces si Mike Harris para sa kanyang 26 points at 24 rebounds.

Read more...