Aminado ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi na kaya ng Edsa ang volume ng mga sasakyan na dumadaan dito araw-araw.
Habang papalapit ang araw ng Pasko ay lalo pang dumami ang mga sasakyan na dumadaan sa nasabing major artery ayon sa datos ng MMDA.
Mula sa kapasidad na hanggang 288,000 lamang, sinabi ng ahensya na umabot na ito sa 400,000 kaya ganun na lamang ang usad ng daloy ng trapiko sa naturang lansangan.
“Ang [daily] volume po natin sa EDSA ay 402,000. Ang capacity natin is 288,000, so over na tayo ng hundred thousand plus,” ayon sa paliwanag ni MMDA General Manager Jojo Garcia.
Ang nasabing bilang ay kumbinasyon ng mga pribadong at pampublikong sasakayan ayon sa MMDA.
Bukod sa pagpapatupad ng mahigpit na disiplina sa Edsa, pinayuhan na rin ni Garcia ang mga motorista na maghanap ng mga alternatibong ruta para mas maging mabilis ang byahe lalo na sa rush hours sa umaga at gabi.
Nangako naman ang opisyal na lalo pa nilang tututukan ang pagpapatupad ng traffic discipline zone sa Edsa lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.