Duterte nakipagpulong sa liderato ng Iglesia ni Cristo

By Chona Yu December 19, 2018 - 07:34 PM

Malacañang photo

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang religious group na Iglesia ni Cristo (INC)

Base sa photo release ng Malacañang, ginawa ng pangulo ang pagbisita sa INC Central

Temple sa Commonwealth Avenue sa Quezon City noong December 14, 2018.

Sa litrato, makikita ng pangulo na kasama si INC leader Eduardo Manalo at ang long time aide ng pangulo na si dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Ayon sa palasyo, nagtungo ang pangilo sa INC Temple para batiin ng Happy Birthday si Manalo na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong October 31.

Tumagal  ng tatlumpong minuto ang kanilang pagbisita kay Manalo.

Nabatid na kumustahan lamang ang nangyari sa naturang pagpupulong

Magugunitang si Manalo ay itinalaga ni Duterte bilang special envoy for OFW concerns.

Naganap ang nasabing pulong sa gitna ng palitan ng batikos sa pagitan ni Duterte at ng ilang mga obispo ng simbahang katoliko.

TAGS: bishops, bong go, eduardomanalo, Iglesia ni Cristo, inc temple, bishops, bong go, eduardomanalo, Iglesia ni Cristo, inc temple

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.