Construction activities sa bansa lalo pang tumaas ayon sa PSA

By Den Macaranas December 19, 2018 - 07:08 PM

Inquirer file photo

Umakyat ng 16.7 percent ang bilang ng mga itinatayong gusali at iba pang istraktura sa bansa sa third quarter ng 2018

Ito ang inilabas na ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) base sa bilang ng mga nag-apply ng residential at non-residential building permits.

Ayon sa record ng PSA, mula Hulyo hanggang Setyembre ng taong kasalukuyan ay umabot sa 42,111 ang bilang constructions activities kumpara sa 36,076 noong nakalipas na taon.

Ang bilang naman ng residential building na under construction ay umabot sa 30,638 o 16.8 percent na mas mataas kumpara sa 26,227 noong 2017.

Ipinaliwanag ng PSA na ang double-digit increase sa bilang ng residential condominium ay umakyat rin sa 80 percent, 29.9 percent naman pata sa mga apartments at 15.3 percent increase naman sa single-type houses.

Kabilang naman sa mga lugar na naging aktibo ang construction activities para sa taong kasalukuyan ay ang Cavite, Batangas, Bulacan, Laguna, Metro Manila, Negros Oriental, Cebu, Bohol, Iloilo at Pampanga.

TAGS: BUsiness, infrastructure, Philippine Statistics Authority, BUsiness, infrastructure, Philippine Statistics Authority

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.