UN special rapporteur: Duterte nananatiling banta sa human rights defenders
Muling naglabas ng babala ang United Nations special rapporteur laban sa umano’y panggi-gipit ng pamahalaan sa mga tinaguring “human rights defenders”.
Kabilang sa tinutukoy sa ulat ng U.N special rapporteur ang umano’y patuloy na pagtaas sa kaso ng human rights violations at mga kaso ng extrajudicial killings.
Sinabi ni UN special rapporteur Michel Forst na kabilang ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga hadlang sa pagpapatupad ng mga nilalaman ng Declaration on the Right and Responsibility of Individuals.
“The government’s War on Drugs has created a climate of insecurity and impunity for extrajudicial killings that affect human rights defenders,” ayon sa ulat ni Forst.
Ang nasabing World Report ay naglalaman ng unang global survey kaugnay sa kasalukuyang sitwasyon ng mga human rights defensers sa iba’t ibang panig ng mundo.
Binatikos rin sa ulat ni Forst na sablay ang mga inilatag na counter-insurgency measures ng pamahalaan laban sa mga pinaniniwalaang kaaway ng estado.
Ayon pa sa ulat, “Duterte has fostered very harmful rhetoric against human rights defenders labeling them ‘anti-nation’, ‘protectors of drug lords’, ‘communists’, ‘terrorists’ and others.”
Nauna dito ay sinabi ng Malacañang na walang karapatan ang nasabing grupo na pumuna sa mga polisiya ng pamahalaan.
Bukod sa walang batayan, sinabi ng palasyo na kailangang irespeto ng UN special rapporteur ang soberenya ng Pilipinas bilang isang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.