Catriona Gray at Duterte magkikita sa Malacañang bukas

By Den Macaranas December 19, 2018 - 04:41 PM

Inquirer file photo

Nakabalik na sa bansa si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sakay ng isang private plane ay dumating sa hangar ng Platinum Skies Aviation, Inc. sa Pasay City si Gray kasama ang kanyang entourage kung saan siya ay sinalubong ng ilang mga tagahanga at miyembro ng media.

Kaagad siyang dumiretso sa VIP lounge at nagkaroon ng pakikipag-usap sa ilang mga kaibigan bago umalis para sa kanyang “private time”.

Sinabi ng ilang opisyal ng Miss Universe organizing committee na hindi ito ang official homecoming para kay Gray.

Sa January 7, 2019 pa magsisimula ang kanyang official engagement bilang Miss Universe.

Bukas ay nakatakda siyang magpunta sa Malacañang para sa courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Posibleng bukas na rin gawin ang press conference na hindi natuloy sa kanyang pagdating ayon pa sa ilang source.

Nakasama ni Gray sa private plane sina dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson at ang anak nito na si Architect Richelle Singson-Michael na isa rin sa mga tumayong judge sa 2018 Miss Universe beauty pageant.

TAGS: 2018 Miss Universe, Chavit Singson, ctarional gray, duterte, 2018 Miss Universe, Chavit Singson, ctarional gray, duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.