Panelo: Pagdawit ni Duterte kay Roxas sa ambush kay Mayor Loot joke lang

By Chona Yu December 19, 2018 - 04:02 PM

Nagbibiro lamang si Pangulong Rodrigo Duterte nang ituro si dating Sec. Mar Roxas na nasa likod ng ambush sa kanyang dating police aide at ngayo’y Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang pahayag ng pangulo ay paglalabas lamang ng displeasure o hindi pagkagusto dahil sa pagkakasangkot ng dating tauhan ni Roxas sa ilegal na droga.

Dagdag pa ni Panelo, may mga pahayag ang pangulo na hindi dapat na siniseryoso dahil natural na sa pangulo ang pagiging palabiro.

Nilinaw rin ng kaligim na hindi pangbu-bully ang ginawa ng pangulo kundi pangangantyaw lamang kay Roxas.

Wala aniyang kinalaman sa pulitika kundi kantyaw lamang ang ginawang pagdadawti ng pangulo kay Roxas sa pananambang kay Loot kamakailan.

Noong buwan ng Mayo ay tinambangan ang grupo ni Loot sa isang wharf sa Daanbantayan, Cebu.

Nakaligtas si Loot sa ambush pero nasugatan ang kanyang bodyguard.

Magugunitang si Loot na dating heneral sa Philippine National Police ay kabilang sa mga personalidad na ansa drug list ni Pangulong Duterte.

TAGS: ambush, duterte, joke, panelo, Vicente Loot, ambush, duterte, joke, panelo, Vicente Loot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.