Infra projects apektado ng delayed budget ayon sa DBM
Hindi mapopondohan ng gobyerno ang mga bagong infrastructure project sa unang quarter ng susunod na taon dahil sa kabiguan ng mga mambabatas na aprubahan ang 2019 national budget.
Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na hindi kasi maaring tapusin at pondohan ang kaparehong proyekto.
Bukod sa infrastucture project, hindi rin maibibigay ng pamahalaan ang ikaapat na tranch ng salary standardization law o ang dagdag sweldo ng mga sibiliyan at military personnel na nagtatrabaho sa gobyerno
Magagawa lamang aniya ito ng pamahalaan kapag napagtibay na ng mga mambabatas ang General Appropriations Act.
Gayunman, tiniyak naman ni Diokno na hindi maapektuhan ang mga malalaking proyekto ng pamahalaan gaya halimbawa ng pagpapatayo ng subway pati na ang rehabilitasyon ng Philippine National Railways.
Hindi rin aniya maapektuhan ang Internal Revenue Allotment (IRA) para sa local government units na aabot sa P600 Billion.
Hindi rin aniya maapektuhan ang personal wages at maintenance sa susunod na taon.
Mahalaga aniya na agad na maipasa ng mga mambababtas ang pambansang pondo para hindi maantala ang pag-unlad ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.