16 katao nailigtas ng PCG sa Biliran matapos magkaproblema ang sinasakyang bangka

Labingdalawang mga pasahero at apat na crew ng isang bangka ang nasagip ng Philippine Coast Guard matapos na maiulat na palutang-lutang ang bankang kanilang sinsakyan nila sa karagatang sakop ng Biliran.

Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo nakatangap ang PCG Action Center ng tawag mula sa isang concerned citizen na tatlong oras nang palutang-lutang sa karagatan ang bangka.

Dahil dito kaagad nagsagawa ng rescue operations ang mga tauhan ng PCG at nailigtas ang pasahero at crew ng MBCA Sherkermerry na papuntang Biliran galing sa Higatangan Island.

Napag-alaman sa paunang imbestigasyon na nasira ang propeller ng nasabing bangka dahil sa lakas ng alon ng silay nasa biyahe.

Lahat ng mga pasahero ay nasa mabuting kalagayan at pinauwi na rin ng PCG.

Read more...