Pilipinas “most tweeting country” sa kasagsagan ng Miss Universe coronation ayon sa Twitter
Ang Pilipinas ang nanguna sa listahan ng “most tweeting countries” sa buong mundo noong kasagsagan ng Miss Universe 2018 coronation ceremony.
Ayon sa Twitter, umabot sa halos 6 na milyon ang tweet ang naitala noong Lunes, Dec. 17 habang ginaganap ang coronation.
Katumbas ito ng 1.4 million tweets kada minuto at ang pinakaraming tweet ay naitala alas 9:00 ng umaga.
Sumunod sa Pilipinas ang mga bansang Thailand, US, Brazil at Venezuela.
Sinabi rin ng Twitter na umabot sa 8 milyong viewers ang nanood sa crowning moment ni Catriona Gray bilang Miss Universe 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.