Pilipinas, pang-8 sa “Best countries for women” list ng WEF

Nasa pang-walo ang Pilipinas sa listahan ng pinaka-mainam na bansa para sa mga babae batay sa ulat ng World Economic Forum (WEF).

Sa latest Global Gender Gap Index report, nakakuha ng 7.99 na average score ang Pilipinas.

Ayon sa WEF, nananatiling ang Iceland ang nasa unang pwesto na mayroong index score na 8.58.

Ito na ang ika-sampung sunod na taon nasa unang pwesto ang Iceland.

Nasa ikalawa, ikatlo at ikaapat na pwesto naman ang Norway, Sweden at Finland.

Ang bansang Nicaragua na noong taong 2006 ay nasa pang-62 pwesto ay biglang umakyat at ngayon ay nasa pang-5 pwesto na.

Ang iba pang nasa top 10 ay ang Rwanda na nasa 6th place, New Zealand pang-7, ang Ireland ang pang-9 at at ang Namibia ang pang-10.

Samantala narito naman ang sampung bansa na maituturing na “Worst Countries for Women”

1. Yemen
2. Pakistan
3. Iraq
4. Syria
5. Chad
6. Democratic Republic of Congo
7. Mali
8. Iran
9. Saudi Arabia
10. Lebanon

Read more...