2 patay sa aksidente sa Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer Southern Luzon December 19, 2018 - 11:20 AM

Photo: Batangas PNP
Patay ang dalawang katao habang 11 iba pa ang nasugatan matapos mahulog sa bangin sa Nasugbu, Batangas ang isang truck.

Sa ulat mula sa Batangas Police Office, nakilala ang mga nasawi na sna Steven Mendoza at Eerl Bonan.

Kapwa nagtatrabaho bilang sound system operator ang dalawa ay empleyado ng J.S. Mina Sound System.

Ang truck na isang Isuzu closed van ay may lulang sound system equipment at bumabagtas sa national highway na sakop ng Barangay Natipuan alas 6:00 ng umaga kanina (Miyerkules, Dec. 19).

Ayon sa mga otoridad, sakay ng truck ang 13 katao.

Nailigtas naman ng mga rescuer ang driver ng truck na si Rodrigo Gonzales, 58 taong gulang at iba pang sakay ng truck.

Gayunman, sina Mendoza at Binan ay kapwa nadaganan ng truck.

TAGS: accident, Batangas, Radyo Inquirer, accident, Batangas, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.