Naipamahaging fuel cards ng LTFRB umabot na sa mahigit 70,000

Umabot na sa mahigit 70,000 ang naipamahaging Pantawid Pasada fuel subsidy cards ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LFTRB).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) mula noong July 2018 hanggang December 15, 2018, umabot na sa 70,770 ang fuel cards na naipamigay.

Ito ay ipinamigay sa mga lehitimong franchise owner ng mga pampasaherong jeep.

Sa kabuuan, umaabot na sa P353,850,000 ang halaga ng naipamigay na fuel cards.

Sa ilalim ng Pantawid Pasada Program, pinagkakalooban ng administrasyong Duterte ng tig-P5,000 bilang subsidy ang mga PUJ operator at driver.

Ang Pantawid Pasada Program ay pinondohan sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Read more...