Umpisa ng telephone number sa Metro Manila, mga kalapit na lalawigan, babaguhin – PLDT
Nagpalabas ng abiso ang PLDT hinggil sa ipatutupad na pagbabago sa telephone number sa Metro Manila at mga karatig nalalawigan.
Ayon sa PLDT, simula sa March 18, 2019, lahat ng telephone numbers na mayroong area code na “02” ay lalagyan na ng number “8” sa umpisa.
Ito ay bilang pagtalima sa NTC Memorandum order 10-10-2017.
Sakop nito ang Metro Manila, Rizal, San Pedro, Laguna at Bacoor, Cavite.
Ibig sabihin ayon sa PLDT, mula sa March 18, magiging walong digits na ang kasalukyang 7-digits na telephone number sa nabanggit na mga lugar.
Dadagdagan kasi ng “8” sa umpisa ang 7-digits telephone number.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.