Pagkasawi ng 15 katao sa isang Hindu temple sa India, natuklasang dahil sa pesticide

Natuklasang nakalalasong pesticide ang ikinasawi ng 15 katao sa isang templo sa India noong nakaraang linggo.

Umabot sa 100 ang naisugod sa ospital matapos sumakit ang tiyan ng mga deboto sa isang Hindu temple sa Karnataka.

Kumain umano ng tomato rice ang mga ito at doon na nagsimulang sumama ang kanilang pakiramdam.

Sa isinagawang laboratory test sa kinaing bigas, nakitaan ito ng monocrotophos pesticide.

Isang dekada nang ipinapa-ban sa India ang nasabing pesticide dahil nga sa taglay nitong nakalalasong sangkap.

Ayon naman sa mga otoridad, mayroon nang ilang katao na ikinulong bunsod ng nasabign insidente.

Ang nasabing pestisidyo rin ang dahilan ng pagkasawi ng 23 estudyante sa Bihar sa India noong taong 2013.

Read more...