Lalaki patay matapos masagasaan ng tren ng PNR sa Maynila

By Ricky Brozas December 19, 2018 - 09:05 AM

Radyo Inquirer Photo | Ricky Brozas

Patay ang isang lalaki makaraang masagasaan ng tren ng PNR malapit sa Pandacan Station sa Maynila.

Ayon kay Insp. Genesis Aliling ng Beata PCP, nangyari ang aksidente alas 6:20 ng umaga.

Napansin umano ng mga residente sa lugar na tila tulala ang biktimang si Remy Orlino habang ito ay papatawid at hindi alintana ang pagbusina ng paparating na tren.

Base sa kaniyang ID, ang bitkima ay trabahador ng DMCI sa isang construction site na hindi kalayuan sa lugar.

Durog halos ang katawan ng bitkima dahil sa pagkakasagasa sa kaniyang tren.

Galing Alabang ang tren at patungo ng Divisoria at may body number 8 na nakasaga sa biktima.

TAGS: accident, PNR train, Radyo Inquirer, accident, PNR train, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.