Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) ito ay base sa Labor Force Survey noong October 2018 na ginawa ng Philippine Statistics Authority (PSA).
lumabas na nagkaroon ng 826,000 na dagdag na trabaho para sa kasalukuyang taon.
Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III resulta ito ng BUILD BUILD BUILD program ng adinistrasyon na nakapag-generate ng maraming trabaho.
Lumitaw din sa nasabing survey na mayroong 41.160 milyon na Filipino ang employed ngayon sa bansa, dalawang porsyento itong mas mataas kumpara noong 2017.
Nakapagtala din ng 411,449 na mga trabahador na naregular sa trabaho.
Sa nasabing bilang, 70 percent ang boluntaryong iniregular ng kanilang employers at 30 percent naman ang na-regular matapos atasan ng DOLE ang kumpanya na isailalim sila sa regularization.
Gumanda rin ang kalidad ng employment sa bansa matapos tumaas ang bilang ng mga mayroong stable at full-time na trabaho.
Ang underemployment naman ay umabot sa 6.735 million na Filipino na mas mataas ng 3.5 percent kumpara sa nagdaang taon.