2 suspek sa pag-masaker sa 6 na miyembro ng pamilya sa Cagayan, arestado

By Dona Dominguez-Cargullo December 19, 2018 - 08:40 AM

Naaresto na ang dalawang suspek sa karumal-dumal na pagpaslang sa anim na katao sa Gonzaga, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Samy Oandasan, 41 anyos at Sam Oandasan, 28 anyos na kapwa residente sa Brgy. Ipil sa nasabing bayan.

Ang dalawang suspek ang itinuturo ng mga nakasaksi sa krimen na nasa likod ng pagpatay sa anim na miyembro ng pamilya noong Dec. 14.

Magugunitang natagpuang walang buhay ang mag-asawang Dizon at Sany Oandasan at mga anak nilang sina Wilson, Karen at Dizon Jr. at isa pang Juanito Soliva sa Purok San Francisco sa parehong barangay.

Isang tatlong taong gulang namamn ang nakaligtas at ginagamot sa ospital.

Pinagtataga ang mga biktima na nakitaan din ng tama ng bala sa kanilang katawan.

Sinasabing away sa lupa ang ugat ng pagpatay.

TAGS: Cagayan, Gonzaga, massacre, Cagayan, Gonzaga, massacre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.