Ayon kay Department of Agriculture Sec. Manny Piñol, hindi na kasi kaya ng National Food Authority na i-subsidize ang NFA rice na ibinebenta ng P27 kada kilo.
Ani Piñol sa sandaling mailabas sa merkado ang lahat ng inangkat na bigas ng NFA ay ititigil na ang pagbebenta ng P27 per kilo na NFA rice.
Ang NFA aniya ay magiging welfare agency na lamang.
Dagdag pa ni Piñol hindi rin naman realistic ang P27 na NFA rice at dapat matagal na itong inalis sa merkado.
Magugunitang sa ilalim ng rice tariffication bill, inalis na ang qouta sa importasyon ng bigas.
Sa ilalim ng batas, ang trabaho ng NFA ay limitado na lamang sa pagtitiyak na may buffer stock ng bigas ang bansa para sa emergency purpose.