P27/kl na NFA rice hindi na ibebenta sa merkado mula sa susunod na taon

By Dona Dominguez-Cargullo December 19, 2018 - 08:14 AM

Simula sa susunod na taon, ititigil na ang pagbebenta ng NFA rice sa merkado.

Ayon kay Department of Agriculture Sec. Manny Piñol, hindi na kasi kaya ng National Food Authority na i-subsidize ang NFA rice na ibinebenta ng P27 kada kilo.

Ani Piñol sa sandaling mailabas sa merkado ang lahat ng inangkat na bigas ng NFA ay ititigil na ang pagbebenta ng P27 per kilo na NFA rice.

Ang NFA aniya ay magiging welfare agency na lamang.

Dagdag pa ni Piñol hindi rin naman realistic ang P27 na NFA rice at dapat matagal na itong inalis sa merkado.

Magugunitang sa ilalim ng rice tariffication bill, inalis na ang qouta sa importasyon ng bigas.

Sa ilalim ng batas, ang trabaho ng NFA ay limitado na lamang sa pagtitiyak na may buffer stock ng bigas ang bansa para sa emergency purpose.

TAGS: DA, NFA Rice, Radyo Inquirer, rice, DA, NFA Rice, Radyo Inquirer, rice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.