Dahil lang sa masamang tingin, taxi driver patay sa pamamaril sa Maynila

By Rose Cabrales December 19, 2018 - 07:55 AM

Nasawi ang isang isang taxi driver matapos pagbabarilin ng lasing na motorcycle rider dahil lang sa masamang tingin sa Santa Ana, Maynila.

Ayon sa pasahero ng taxi, isang motorsiklo ang nag-cut sa kanila pagdating sa intersection ng P. Ocampo St. at Osmeña Highway.

Inakala umano ng lasing na rider ng motorsiklo na tinignan siya ng masama ng taxi driver.

Pinayuhan ng pasahero ang driver ng taxi na huwag patulan ang rider at kasama nito kaya’t umatras ang taxi para umalis pero sinundan ito rider at saka ito binaril.

Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang motorsiklo.

Nadala pa sa ospital ang drayber pero hindi na ito umabot ng buhay.

Tatlong basyo ng bala ang nakuha sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy naman ang mga pulis sa paghahanap sa dalawang lalaki na sangkot sa krimen.

TAGS: ambush, manila, taxi driver, ambush, manila, taxi driver

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.