Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, para sa mga sasakyang ilegal na nakaparada at mayroong driver sa loob, mula sa dating P200 ay P1,000 na ngayon ang multa.
Kung sasakyan namang ilegal na nakaparada ay unattended o iniwanan ng driver, mula sa dating P500 ay P2,000 na ngayon ang multa.
Kung obstruction naman sa kalsada, mula sa dating P150 ay magiging P1,000 na ang multa.
Epektibo ang naturang pagtataas ng multa simula ngayong araw ng Miyerkules, Dec. 19.
Ayon pa kay Pialago, ang mga lalabag ay maaring maisyuhan ng traffic violation tickets ng hanggang dalawang beses kada araw nang mayroong 3-hour interval.
Ibig sabihin, kung dalawang beses na nakitang lumabag ay maari dalawang beses din siyang matikitan.