Higit dobleng pagtataas sa multa sa ilegal na pagparada ng sasakyan, epektibo na ngayong araw
Epektibo na ngayong araw ang mas mataas na multa na ipapataw ng MMDA sa mga may-ari ng mga sasakyang ilegal na nakaparada sa lansangan.
Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, para sa mga sasakyang ilegal na nakaparada at mayroong driver sa loob, mula sa dating P200 ay P1,000 na ngayon ang multa.
Kung sasakyan namang ilegal na nakaparada ay unattended o iniwanan ng driver, mula sa dating P500 ay P2,000 na ngayon ang multa.
Kung obstruction naman sa kalsada, mula sa dating P150 ay magiging P1,000 na ang multa.
Epektibo ang naturang pagtataas ng multa simula ngayong araw ng Miyerkules, Dec. 19.
Ayon pa kay Pialago, ang mga lalabag ay maaring maisyuhan ng traffic violation tickets ng hanggang dalawang beses kada araw nang mayroong 3-hour interval.
Ibig sabihin, kung dalawang beses na nakitang lumabag ay maari dalawang beses din siyang matikitan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.