Kalahating milyon pisong halaga ng shabu nasabat sa isang babae sa Parañaque

By Dona Dominguez-Cargullo December 19, 2018 - 07:46 AM

Aabot sa P500,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. San Dionisio, Parañaque City.

Naaresto sa nasabing operasyon ang babaeng suspek na si alyas Anna na ex-girlfriend umano ng isang alyas Tamy na siyang target sana ng buy-bust.

Nagawa namang makatakas ni Tamy at ng isa pang lalaki.

Ayon kay Chief Insp. Anthony Alising, hepe ng station drug enforcement unit ng Parañaque Police, kasabwat si Anna sa pagtutulak ng ilegal na droga ni Tamy.

Ani Alising, talamak ang bentahan ng ilegal na droga sa lugar.

Nakuha din sa lugar ang isang 9MM na baril.

Magsasagawa pa ng follow up operation ang mga pulis para maaresto ang dalawang nakatakas.

TAGS: paranaque city, Radyo Inquirer, War on drugs, paranaque city, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.