2 gun runner patay sa buy-bust sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo December 19, 2018 - 07:43 AM

Police banner
Patay ang dalawang hinihinalang gun runner sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Novaliches sa Quezon City.

Ayon sa mga tauhan ng Quezon City Police District, ikinasa nila ang operasyon laban sa dalawang suspek na hinihinalang carnapper at gun runner.

Ginawa ang operasyon sa Barangay Nagkaisang Nayon pero nakatunog ang dalawang suspek na pulis ang kanilang katransaksyon kaya nagpaputok ang mga ito.

Doon na nauwi sa engkwentro ang operasyon na ikinasawi ng mga suspek.

Miyembro umano ng gun running group ang dalawa at Martes ng hapon nang agawin ng mga ito ang motorsiklo ng biktimang si Alyas Michael.

Nakuha mula sa dalawa ang dalawang kalibre 45 na baril at isang kalibre 38 baril.

TAGS: gunrunner, quezon city, Radyo Inquirer, gunrunner, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.