Truck na may kargang tone-toneladang steel beam tumagilid din sa Monumento, Caloocan

By Dona Dominguez-Cargullo December 19, 2018 - 06:49 AM

Isang 18-wheeler truck naman na may kargang tone-toneladang steel beam ang tumagilid sa bahagi ng Monumento Circle sa Caloocan City.

Ayon sa driver na si Allan Donata, galing sila ng Zambales at patungo sana ng Pandacan kung saan ihahatid nila ang mga kargang steel beam.

Sinabi ni Donata na papaliko sila Monumento Circle nang biglang bumigay ang support stand na pinapatungan ng mga steel beam.

Tinatayang 25 tonelada ang bigat ng karga ng truck.

Humambalang sa Monumento Circle ang truck na nagresulta sa pagsisikip sa daloy ng traffic.

Naapektuhan ang mga sasakyan na galing sa bahagi ng Mac Arthur Highway.

TAGS: accident, caloocan, Radyo Inquirer, accident, caloocan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.