Reputasyon ni Diokno, solido kaysa sa mga mambabatas – Malakanyang

By Chona Yu December 19, 2018 - 12:45 AM

Naniniwala ang Palasyo ng Malakanyang na mas solido ang repustasyon ni Budget Secretary Benjamin Diokno kaysa sa mga kongresista na nag-aakusa sa kalihim na mayroong budget insertion ang 2019 national budget.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, sa loob ng 32 taong serbisyo, walang isyu o baho na maipupukol kay Diokno.

Patuloy aniya na naniniwala ang Palasyo sa integridad at kakayahan ni Diokno.

Hindi lang aniya si Pangulong Duterte ang sumusuporta kay Diokno kundi maging ang buong gabinete.

Malinaw aniya na noon pa man, matibay ang paninindigan ni Diokno na ayaw nito ng iregularidad sa budget at hindi pinagbibigyan ang mga pabor na hinihingi ng iilan lamang.

TAGS: Sec. Benjamin Diokno, Sec. Salvador Panelo, Sec. Benjamin Diokno, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.