Yan ang direktiba ni Pangulong Noynoy Aquino sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA para sa isang buong linggong APEC leader’s meeting.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni MMDA Chairman Emerson Carlos na noon pa man ay laging bilin ni Presidente Aquino na gawing plantsado ang traffic management para sa inaasahang pagdalo ng mga delegado ng APEC.
Pero paalala rin ni PNoy, huwag masyadong maging matindi ang epekto ng APEC sa publiko, lalo na sa mga motorista.
Payo ni Carlos sa mga mamamayan, mas mainam na iwasan na lamang ang EDSA, lalo na mula Shaw Boulevard hanggang SM MOA, sa Pasay at iba pang isinarang lansangan para sa APEC.
Kung hindi naman aniya maiiwasan ang pag-biyahe, hinimok ni Carlos ang publiko na sumakay sa Pasig Ferry ng MMDA na aniya’y “best alternative of transportation’ sa panahon ng APEC, o pwede ring maglakad na lamang.
Tiniyak pa ni Carlos na tuloy-tuloy ang anunsyo ng MMDA sa kanilang traffic management hanggang sa matapos ang APEC week.