Ina ni Sarah Lahbati, muntik ng malunod sa Siargao
Ibinahagi ni Kapamilya actress Sarah Lahbati ang naramdamang takot at kaba matapos mabalitaang muntik malunod ang kaniyang ina.
Sa kaniyang Instagram story, kinuwento ni Sarah na muntik ng malunod at nagsuka ng dugo ang kaniyang ina matapos mag-island
hopping sa Siargao Island.
Naiyak aniya siya at nanginig sa naturang insidente.
Nag-aral pa aniya ng swimming lessons ang kaniyang ngunit sadyang hindi aniyang maiiwasan ang lakas ng tubig.
Sa ngayon, conscoius na ang ina ng aktres at patuloy na nagpapagamot.
Nagpasalamat naman si Sarah sa mga nagdasal sa kaniyang ina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.