PNP: Huhulihin at kakasuhan ang mahuhulihan ng medical marijuana

Inquirer file photo

Iginiit ng Philippine National Police na illegal o banned substance pa rin sa Pilipinas ang marijuana.

Kasama dito pati na ang tinatawag na medical marijuana.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, kailangan pa rin na may batas bago maging legal ang marijuana at ang paggamit nito sa bansa.

Pahayag ito ni Albayalde kasunod ng sagot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na suportado niya ang paggamit ng marijuana para sa medical purpose.

Nanindiagan ang PNP na anumang polisiya para maging legal o maregulate ang paggamit ng marijuana para sa medical use ay kailangan ng legislative action o pagkakaroon ng batas.

Sa kawalan anya ng batas ay nananatiling bawal ang marijuana sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Read more...