Ceasefire ng CPP-NPA hindi tatapatan ng tigil-putukan ng gobyerno

By Chona Yu December 18, 2018 - 05:34 PM

Tuloy ang putukan ngayong Pasko sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).

Ito ay makaraang sabihin ng Malacañang na hindi nila tatapatan ang idineklarang unilateral ceasefire ng rebeldeng grupo sa panahon ng kapaskuhan.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, matibay ang panindigan ng pangulo na walang tigil- putukan.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sa ngayon, patuloy na sinusunod ng palasyo ang rekomendasyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na huwag magdeklara ng Christmas truce dahil sinasamantala lamang ng mga kalaban ng pamahalaan ang ceasefire para maglunsad ng mga pag-atake.

Base sa unilateral ceasefire ng CPP-NPA, iiral ang tigil- putukan ng a12:01 ng hatinggabi ng December 24, 2018 at tatagal ng 11:59 ng gabi ng December 26, 2018.

Habang iiral naman ang second round ng ceasefire 12:01 ng hatinggabi ng December 31, 2018 at tatagal ng 11:59 ng gabi ng January 1, 2019.

Sa December 26, 2018 ay nakatakda ring gunitain ng CPP-NPA ang kanilang 50th anniversary at inaasahan ng pamahalaan na sasabayan ito ng mga pag-atake.

TAGS: AFP, CPP-NPA, duterte, lorenzana, medialdea, unilateral ceasefire, AFP, CPP-NPA, duterte, lorenzana, medialdea, unilateral ceasefire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.