Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang activation ng isang military division sa Jolo, Sulu para maglunsad ng operasyon laban sa mga terorista at armadong grupo sa lalawigan.
Sa pahayag ng Malacañang, kanilang sinabi na personal na nagpunta ang pangulo kahapon sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Headquarters sa Jolo, Sulu.
Doon ay kanyang sinabi na bubuuin ng mga sundalo mula sa Philippine Army, Marines at Philippine Air Force ang 840 sundalo na maglulunsad ng nasabing misyon.
Pinangunahan rin ng pangulo ng pangulo ang pamamahagi ng Cal. 45 pistol sa mga miymebro ng militar sa nasabing kampo.
Si Duterte ay sinamahan nina Defense Sec. Delfin Lorenzana at Presidential Adviser for Military Affairs Arthur Tabaquero sa pagpunta at pakikipag-usap sa mga sundalo sa nasabing kampo.
Nauna dito ay ipinangako ng pangulo na tatapusin niya ang pamamayagpag ng mga pinaniniwalaang terorista at iba pang armadong grupo sa lalawigan ng Sulu.
Kasunod ito sa naging approval ng kongreso sa isang taong extension ng martial law sa buong rehiyon ng Mindanao.