Pirma ni Duturte tiyak sa marijuana medical law ayon sa Malacañang
Tiniyak ng Malacañang na agad na lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang panukalang batas na magsusulong gawing legal ang paggamit ng marijuana sa medikal na aspeto.
Ikinatwiran ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malinaw ang polisiya ng pangulo na pabor ito na gamitin ang marijuana para sa pagpapagamot ng sakit at hindi para sa recreation o bisyo.
Sinabi pa ni Panelo na kailangan na suportahan ng pangulo ang mga panukalang batas na sang-ayon sa kanyang mga paniniwala.
“Since the President already made a statement that he’s in favor of limited use of marijuana, logically then he will support and sign any bill that would be consistent with his stand”, paliwanag ng kalihim.
Matatandaang maging si 2018 Miss Universe Catriona Gray ay pabor na gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang alternatibong gamot para sa mga may sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.