Security alert sa NAIA dinoble na

By Den Macaranas December 18, 2018 - 04:12 PM

Inquirer file photo

Itinaas na sa Security Condition Level 2 ang antas ng seguridad sa lahat ng terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay makaraang magsimula nang bumuhos sa mga paliparan ang mga turista at byahero sa bansa habang papalapit ang araw ng Pasko

Bukod sa dagdag na mga security personnel, mas magiging mabusisi na rin sa pagrekisa sa mga sasakyang pumapasok sa NAIA ayon sa advisory ng Department of Transportation (DOTr).

Pinapayuhan rin ang lahat ng mga pasahero na sumundo sa security protocol sa pagpasok sa paliparan kabilan dito ang pag-aalis ng suot na sapatos.

Sinabi pa sa advisory ng DOTr na dapat ay mas agahan ng mga pasahero ang kanilang byahe papunta sa NAIA dahil sa inaasahang higit pa na pagbigat sa daloy ng trapiko.

Tiniyak naman ng pamunuan ng NAIA ang kaligtasanng publiko dahil sa pinagsanib na pwersa ng kanilang security personnel at ng Aviation Security Group ng Philippine National Police.

TAGS: Christmas, Ninoy Aquino International Airport, PNP, security condition 2, Christmas, Ninoy Aquino International Airport, PNP, security condition 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.