AFP at PNP naka-full alert makaraan ang NPA attacks sa Bicol

By Den Macaranas December 18, 2018 - 03:22 PM

Inquirer file photo

Nasa full alert status ang buong pwersa ng militar at pulisya sa Bicol region makaraan ang serye ng pag-atake ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).

Kinansela rin PNP Region 5 Director Arnel Escobal ang bakasyon ng lahat sa kanyang mga tauhan sa rehiyon dahil sa posibleng maulit muli ang mga pag-atake ng komunistang grupo.

Kahapon at magkakasunod na sinalakay ng mga NPA members ang police station sa bayan ng Magallanes, Sorsogon kung saan tatlong mga pulis ang naitalang sugatan.

Sinundan ito ang pagpapaulan ng bala sa dalawang military detachment sa mga bayan ng Gubat at Juban sa nasabi ring lalawigan.

Ipinag-utos na rin ng liderato ng PNP ang deployment ng dagdag na mga tauhan ng Special Actions Force sa Sorsogon.

Nauna dito ay sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na inilagay na niya sa heightened alert ang buong pwersa ng pulisya dahil sa nakuhang mga impormasyon kaugnay sa posibleng paglusob ng NPA sa ilang mga lugar.

May kaugnayan ang mga pag-atake sa nalalamit na anibersaryo ng CPP-NPA sa December 26.

Hindi rin tinapatan ng tigil-putukan ng pamahalaan ang unilateral ceasefire na idineklar ang rebeldeng grupo sa araw ng pasko at bagong taon.

TAGS: albayalde, Anniversary, duterte, escobal, NPA, region 5, Sorsogon, albayalde, Anniversary, duterte, escobal, NPA, region 5, Sorsogon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.