Paluan, Occidental Mindoro niyanig ng M3.1 na lindol

 

 

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Paluan sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 26 kilometers Northeast ng bayan ng Paluan, 12:05 tanghali ng Martes (December 18).

May lalim na 91 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

Read more...