Rep. Floirendo, humirit sa Sandiganbayan na makapagdiwang ng Pasko sa abroad

By Erwin Aguilon December 18, 2018 - 01:42 PM

 

Hiniling ni Davao del Norte 2nd District Rep. Antonio Floirendo Jr. sa Sandiganbayan na makabiyahe patungong Hongkong upang doon ipagdiwang ang holiday season.

Sa motion for leave na inihain ng mambabatas sa 6th Division ng Sandiganbayan, hinimok nito ang korte na payagan siyang mag-abroad kasama ang kanyang pamilya mula sa December 27, 2018 hanggang January 2, 2019.

Nakasaad sa mosyon ni Floirendo na nakakuha na siya ng travel authority mula kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi rin nito na hindi siya flight risk dahil ilang ulit na siyang pinayagang lumabas ng Pilipinas ng anti-graft court at bumabalik din naman ng bansa.

Bukod pa aniya rito, kailangan niyang gampanan ang kanyang tungkuling bilang isang mambabatas.

Si Floirendo ay nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Corrupt Practices Act dahil sa maanomalyang Joint Venture Agreement (JVA) sa pagitan ng kanyang pag-aaring Tagum Agricultural Development Authority (TADECO) at Anflo Management and Investment Corporation para gawing banana plantation ang lupain ng Davao Penal Colony.

 

TAGS: Davao del Norte 2nd District Rep. Antonio Floirendo Jr., sandiganbayan, Davao del Norte 2nd District Rep. Antonio Floirendo Jr., sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.