Pang. Duterte, hindi bully – Malakanyang

 

Hindi tinatamaan ang Malakanyang sa pahayag ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na hindi dapat na maging bully ang mga taong nakaluklok sa kapangyarihan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi naman kasi naging bully si Pangulong Rodrigo Duterte kahit kanino man.

Matatandaang makailang beses nang minumura at binabatikos ni Presidente Duterte ang mga obispo at iba pang kagawad ng Simbahang Katolika dahil sa pagpuna sa kanyang madugong anti-drug war campaign.

Paliwanag ni Panelo, sang-ayon ang Palasyo sa pahayag ni Tagle dahil maaari rin itong gamitin sa mga obispo na ginagamit ang pulpito o ang kanilang kapangyarihan para mang-bully o bumatikos.

Aminado naman si Panelo na totoong pinagbabantaan ni Pangulong Duterte ang mga kriminal para matakot at huminto na na gumawa ng krimen.

Pero hindi aniya ito pangbu-bully kundi pagpapahayag lamang ng kanyang disgusto, sentimyento at saloobin.

Read more...