LOOK: Paolo Ballesteros, nag-transform bilang Miss Spain

 

Sa gitna ng mainit na usapin pa rin ukol sa Miss Universe 2018, ibinahagi ni Eat Bulaga host Paolo Ballesteros ang kanyang latest make-up transformation.

Ang latest personality na ginaya ni Paolo, walang iba kundi si Miss Spain Angela Ponce, na gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang transgender woman contestant sa Miss Universe.

Gayang-gaya ng King of Makeup Transformation ang itsura ni Angela, tulad na lamang ng blonde hair nito at mukha.

Suot pa ni Paolo ang sash na “Spain” para sa kumpletong look.

Si Paolo ay kilala na sa buong mundo dahil sa makeup transformations nito.

Kabilang sa mga naging peg niya ay sina Mariah Carey, Beyonce at iba pa.

At syempre, may makeup transformations siya nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

 

Read more...