Pilipinas, naka-2 silver medals sa 18th World Pencak Silat Championship
Dalawang silver medals ang naiuwi ng Philippine Pencak Silat Team mula sa katatapos na 18th World Pencak Silat Championship na ginanap sa Singapore.
Nakuha ni Cherry May Regalado ang kanyang silver medal mula sa Tunggal Puri Event.
Ang isa pang pilak na medalya ay nakuha nina Rich Rod Ortega, James El Mayagma at Jefferson Rhey Loon mula sa Regu Putra Team Event.
Nagpaabot naman ng pagbati ang Philippine Sports Commission sa tagumpay ng Philippine team sa nasabing tournament.
Mahigit sa tatlong daang atleta mula sa apatnapung bansa ang nakibahagi sa 18th World Pencak Silat Championship.
Ang Pencak Silat ay isang uri ng martial arts, na kasama sa mga sport sa Southeast Asian Games at Asian Games.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.