Mga pasahero sa mga pantalan patuloy na dumarami habang papalapit ang Pasko
Habang papalapit ang Pasko lalo pang dumarami ang bilang ng mga pasaherong dumadagsa sa mga pantalan sa bansa.
Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG) kahapon (Lunes. Dec. 17) ng tanghali hanggang gabi, nakapagtala ng halos 72,000 na bilang ng mga pasahero sa iba’t ibang mga pantalan.
Pinakamarami ang naitalang bumiyaheng pasahero sa Western Visayas na may mahigit 15,000, partikular na sa mga pantalan sa Iloilo at Aklan.
Sumunod naman ang Southern Tagalog na may mahigit 8,200 pasahero at marami ang bumiyahe sa mga pantalan ng Batangas, Southern Quezon, at Romblon.
Sa Davao Region naman nakapagtala ng mahigit 4,500 na pasahero habang mahigit 7,000 ang bumabiyahe palabas ng Northern Mindanao partikular sa Surigao Del Norte, Misamis Oriental, at Misamis Occidental.
Nananatili namang matiwasay at payapa ang sitwasyon sa mga pantalan sa bansa ayon sa coast guard.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.